Kung kalinangan sa pakikipagtalastasan sa wikang Filipino ang pag-uusapan, marahil isang guro lamang ang papasok sa isip ng mga Assumptan, si BB. MARISSA TONGOL.

Si Bb. Tongol, ay isa sa mga unang batch ng mga mag-aaral na nabiyayaan ng edukasyon ng transpormatibo ng Assumption.  At nang siya’y maging ganap na propesyonal bilang guro, itinalaga na niya ang kaniyang buhay at kaalaman sa paglinang ng mga mag-aaral ng Assumpta.  Maraming mga naiambag na kaalaman si Bb. Tongol lalung-lalo na sa mga Assumptans.

Ngayong gabi, ganap na ikawalo, si Bb. Tongol or si Dang Maris ay nagbalik na sa yapos ng Amang lumikha sa ating lahat.  Siya ay nakalagak sa kanilang tahanan sa San Isidro, San Simon, Pampanga.  Sa Marso 10, kapistahan ni Santa Maria Eugenia, magkakaroon ng misa sa kapilya ng barangay San Isidro, kung saan siya ay nanilbihan din ng matagal na panahon, pagkatapos ay dadalhin siya sa Assumptan Technical High School CHAPEL, at magkakaroon ng parangal at “necrological service” para sa kanyang alaala. Siya ay mananatili doon, at magkakaroon ng misa 1:30 ng hapon, Huwebes, ika-11 ng Marso, siya ay ihihimlay sa Sto. Domingo Memorial Park sa Minalin.

Inaanyayahan ang mga kaibigan, mga naging mag-aaral, katrabaho at kakilala na mag-alay ng panalangin para kay Bb. Tongol.

MARAMING SALAMAT PO BB. MARISSA TONGOL!
PAALAM.

  1. princessmonique reblogged this from jerichotorres
  2. jerichotorres posted this