Marahil ‘di natin madalas mapansin, na bagaman sa simpleng salita ay “ginawa na natin ang lahat”, sadyang mailap ang sandaling mahahanap mo ang tunay na magbibigay sa’yo ng kaligayahan?
Ano na nga kayang lalim ng samahan ang magpapatibay o magpapatotoo sa ating nararamdaman? madalas ba na ang damdaming ito ay bunsod lamang ng pagkauhaw sa pansin at pagnanais na may makasama?
Para sa akin, ang pagkakaroon ng isang taong makakasama sa iyong tabi ay hindi sagot upang takasan ang mga halimaw na nabubuhay sa iyong sariling anino.
Masarap na may kayakap at kaagapay sa iyong pagpapahinga…
Masarap na may regular kang nakakausap at napagbubuksan ng iyong mga sama ng loob…
Para sa akin, sapat na ang magkaroon ng bestfriend…
sapat ng may taong handa akong tanggapin kung sino ako…
sapat ng may taong nakauunawa sa aking mga tampo at hinanaing…
sapat ng may taong handang makinig sa walang kwenta kong mga paghihilakbo…
sapat ng may taong handa akong tanggapin at yakapin ng buong paggiliw na hindi manunumbat…
at sapat ng may taong handa akong ipagtanggol sa sinumang manira sa’kin!
Para sa akin, hindi dapat hinahanap ang taong makakasama mo.
Para sa akin, hindi dapat minamadali ang pagpili sa taong iyon.
at higit sa lahat, kung kailanman, kung saanman, at kung paano man, darating ang taong iyon, ‘di ka dapat mangamba, dahil tadhana ang magtatakda ng pangyayaring iyon sa buhay mo.
KELAN NGA BA? Hangal ka kung magtanong ka ng ganyan. Kusa itong darating. Kung ‘di man ngayon, makontento sa mga taong patuloy na nagmamahal sa’yo imbes na sayangin ang oras mo sa mga taong walang pakialam sa’yo.
Sagayon, masaya ka at masaya sila para sa’yo!
-
orangeatsayote reblogged this from jerichotorres
-
orangeatsayote liked this
-
jerichotorres posted this